Wednesday, March 11, 2015

Iba't Ibang Estruktura ng Pamilihan


Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan may interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.

Dalawang estruktura ng pamilihan:

• Pamilihang may ganap na kompetisyon – sa pamilihang ito, walang kakayahan ang sinuman sa bahay-kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo. ang mga produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba. Ang mga mamimili at nagtitinda ay may ganap na kaalaman sa kalagayan ng pamilihan.
 Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon- sa pamilihang ito, nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng produkto.

Ø Monopolyo – isang uri ng pamilihan na may iisa lamang bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na walang malapit na kahalili.

Ø Monopsonyo – ito ang pamilihang isa lamang ang mamimili. Ito ay may lubos na kapangyarihan upang kontrolin ang presyo.
Halimbawa ay ang Pamahalaan- itinuturing na isang monopsonist

Ø Oligopolyo – isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto.
Halimbawa ay ang industriya ng langis
      Cartel – isang organisasyon ng malalayang bahay-kalakal na gumagawa ng magkakatulad na produkto na sama-samang  kumikilos upang itaas ang presyo at takdaan ang dami ng gagawing produkto.

Ø Monopolistikong Kompetisyon – maraming kalahok na bahay-kalakal; ang uri ng produktong ipinagbibili as magkakapareho ngunit hindi magkakahawig. Ito ang product differentiation.
Halimbawa ang produktong toothpaste (colgate, hapee, close-up)






PAMILIHAN AT PAMAHALAAN

Ang pagpapanatili ng katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at hindi aktibistang pamahalaan. Isasagawa ito sa pagtataguyod ng ganap na kompetisyon.

Tatlo ang gampanin ng malaki at aktibong pamahalaan:

1. Ang pagpapanatili ng kompetisyon – pagbuo ng mga batas at programang pangkaunlaran, pagpapalawak ng kompetisyon sa pamilihan

2. Pagpapalit sa allocative role ng pamilihan – pagpili ng mga hakbangin sa pagsisinop ng pinagkukunang-yaman, muling pamamahagi ng kita at yaman ng isang bansa sa mga mamamayan, pagpapatatag at pagpapatibay ng pambansang ekonomiya

3. Ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman (distributive role)—paliitin ang antas ng inequality sa pamilihan

Pamamaraan ng Panghihimasok ng Pamahalaan:

• Tight industrial regulatory regime – pagsasaayos ng presyo sa iisang atas lamang; ipinatutupad ng pamahalaan sa paniniwala na bubuti ang kapakanan ng mamamayan sa mga piling bahay-kalakal.
• Industrial Deregulatory Regime—pagbubukas ng industriya sa kompetisyon
 Paglahok ng pamahalaan sa industriya
 Pagbubuwis – humahalili sa presyo ang buwis sa pagtatakda ng panlipunang pagpapahalaga sa pagkonsumo at paglikha ng produkto
• Tax Exemption at Subsidy
o Tax exemption – ang mahihirap ay hindi pinagbabayad ng buwis
  o Subsidy – tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa mahihirap
• Programang Pangkaunlaran
• Sequestration – nilalayon nito na itigil ang pagsasamantala ng bahay-kalakal sa mga mamimili at kapwa bahay-kalakal
 Price Ceiling at Price Floor 
o Price ceiling (price control) – pinakamataas na presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto
o Price floor (price support)– ang tawag sa pinakamababang presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto
Mga Sektor ng Ekonomiya


ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

–naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

Mga Kabilang Sektor ng Agrikultura:
  • pagsasaka
  • paghahayupan
  • pangingisda
  • paggugubat
  • pagmamanukan

Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura

agrikultura — ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa likas na yaman

  • Nakapaghahatid ito sa bansa ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t ibang panig ng daigdig.

  • Tinitiyak nito na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag.

  • Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsaska, manggagawang-bukid, katiwala at iba pa.

  • Nakatutulong nang malaki ang agrikultura sa ibang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.



  • Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
    1. Mataas na gastusin sa pagsasaka
    2. Malawakang pagpapalit-gamit ng Lupa
    3. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    4. Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
    5. Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
    • Malaking bilang ng mga Pilipino ang umaasa sa agrikultura bilang ikinabubuhay. Ang pangunahing produkto sa pagsasaka batay sa bigat ng ani ay tubo, niyog, palay, mais, saging, kape, at abaka.


    ANG SEKTOR NG PANGISDAAN AT PAGGUGUBAT

    Tatlong Uri ng Subsektor ng Pangisdaan

    1. Komersiyal — produksiyon ng isda gamit ang bangka na may bigat na higit sa tatlong gross ton

    2.Munisipal na pangingisda — produksiyon ng isda sa katubigang sakop ng munisipalidad

    3. Aquaculture — kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang yamang tubig

    Kahalagahan ng Yamang Tubig:
    1. Dito kumukuha ng ikinabubuhay ang maraming mamamayan sa bansa.
    2. Dito nanggagaling ang malaking bahagdan ng kinokonsumong pagkain ng mga mamamayan.
    3. Malaki ang kinikita ng pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga yamang tubig sa iba;t ibang panig ng daigdig.

    Aquaculture: Umuunlad na Subsektor ng Ekonomiya

    Kahalagahan ng aquaculture sa ekonomiya ng bansa:

    • Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamamayan.
    • Napupunan nito ang bumababang dami ng huli mula sa karagatan at iba pang anyong tubig.
    • Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga pagkain sa isda (feeds) at food processing.
    • Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil sa kita mula sa mga produktong iniluluwas sa ibang panig ng daigdig.
    • Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang makapagpatayo ng fishpond at mapagkakakitaan.

    Mga Suliranin sa Sektor ng Pangingisda

    1. Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda
    2. Lumalaking populasyon sa bansa
    3. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

    SEKTOR NG PAGGUGUBAT

    Kahalagahang ng Sektor ng Paggugubat

    • pinagkukunan ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamot
    • pinagkukunan ito ng mga materyales para sa paggawa ng bahay at muwebles
    • nagsisilbi itong tirahan ng mga wildlife
    • pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales upang makapagmanupaktura ng papel at iba pang kagamitan
    • nagsisilbi itong proteksiyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga ng bagyo
    • nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig
    Mga Suliranin sa Subsektor ng Paggugubat

    • Patuloy na pagtaas ng populasyon
    • Ilegal na pagpuputol ng puno
    • Mga sakuna
    Pagpapahalaga:
    Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran (environment vs. development). Ang walang habas na pagputol ng puno sa kabundukan ay katumbas ng malaking salaping salapi dulot nito sa kabuhayan ng mga taong umaasa rito. Bilang isang mapanuring mamamayan, anong programang pangkabuhayan ang dapat ilunsad ng pamahalaan na may katiyakang ang kapaligiran ng hindi mapinsala at ang balanse ng kalikasan ay naitataguyod?

    SEKTOR NG PAGLILINGKOD


    • tumutukoy sa sektor na nagbibigy ng serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa pamahalaan, at turismo
    • ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa
    Kabilang sa sektor ng paglilingkod ang sumusunod:
    Subsektor ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, serbisyong medikal, mga OFW

    Kahalagahan:
    Ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay may mahalagang papel sa takbo ng pambansang ekonomiya, sapagkat sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang pang-ekonomiya.
    Malaki ang naiaambag nito sa GDP ng bansa

    Suliranin:
    Brain Drain – isang penomenon kung saan unti-unting nauubos ang mga propesyonal na manggagawa dahil sa pangingibang-bansa
    Mababang Pasahod
    Kakaunting benepisyo

    IMPORMAL NA SEKTOR

    Katangian ng impormal na sektor:
    • Hindi nakarehistro sa pamahalaan
    • Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo
    • Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo
    Kabilang sa impormal na sektor ang mga sumusunod:
    Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako ng kakanin at iba pa.
    Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor:
    • Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
    • Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan
    • Upang makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking kapital o puhunan
    • Upang mapangibabawan ang matinding kahirapan
    Kahalagahan ng Impormal na Sektor
    • Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
    • Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
    • Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan
    • Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
    • Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga
    Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor
    • Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan
    • Labis na regulasyon mula sa pamahalaan
    Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
    • Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan
    • Banta sa kapakanan ng mga mamimili
    • Paglaganap ng mga ilegal na gawain
    Panganib sa Impormal na Sektor
    • Maaaring walang sapat na proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho
    • Mapanganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada dahil sa mga ruumaragasang sasakyan
    • Kalimitan hindi sila sakop ng insurance
    • Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring lumaganap ang mga kaso ng paglabag sa kasunduan
     Ang Impormal na Sektor at Globalisasyon
    Pagpapaliwanag tungkol sa impormal na sektor ayon kay Yuzon:
    • Maaari silang ituring na biktima ng globalisasyon
    • Maaaring ituring ang gawaing ito na isang paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan sa masasamang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya at lipunan






    Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon

    Propaganda Technique


    ASOSASYON – ginagamit ng mga sikat o kaaya-ayang personalidad sap ag-aanunsyo upang mahawa ng kasikatan ang isang produkto.

    BANDWAGON EFFECT – layunin nito na sumang-ayon o makiisa ang isang mamimili sa desisyon ng pangkat ng mamimili.

    DEMONSTRATION EFFECT – paglalahat at pagpapakita ng paraan ng paggamit at pakinabang ng produkto.

    MGA PAGPAPATOTOO – tumutukoy sa binibitawang pahayag, pagpapatotoo, o testimonya ng mga tao hinggil sa kalidad ng nasubukang produkto.

    PAULIT-ULIT – tumatatak sa isipan ng mga mamimili.

    PRESSURE – madaliin ang pagpapasya ng mga mamimili.

    PAG-APELA SA EMOSYON – madaling maantig ang damdamin o emosyon ng mga tao sa pamamaraang ito.

    PAGGAMIT NG ISLOGAN – maikling pahayag na hamon o tema ng isang produkto.

    SNOB EFFECT – upang maging iba sa lahat.

    MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG YAMAN



    REPUBLIC ACT 7586 – NATIONAL INTEGRATED PROTECTED AREAS SYSTEM ACT OF 1992 

    – ang batas na ito ay kumikilala sa kritika na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkaka-iba-iba (natural and physical diversities) sa kapaligiran.

    REPUBLIC ACT 7942 – o R.A. 7942 PHILIPPINE MINING ACT OF 1995


    REPUBLIC ACT 9003 – ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000 

    – ang mga kinauukulan ay nagtatakda ng iba’t-ibang mga pamamaraan upang makulekta at mapagbuklod-buklod (segregate) ang mga solid waste sa bawat barangay.

    REPUBLIC ACT 8749 – PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999

    Itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse sa pagitan  ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.

    PRESIDENTIAL DECREE 1067 – WATER CODE OF THE PHILIPPINES 

    – pangunahing layunin ng batas na maitatag ang batayan ng konserbasyon
    ng tubig.

    REPUBLIC ACT 9147 – WILDFIRE RESOURCES CONSERVATION AND PROTECTION ACT

    – ang batas na ito ay naglalaan para sa konserbasyon at proteksyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tirahan



    BATAS PAMBANSA 7638 – DEPARTMENT OF ENERGY ACT OF 1992
    Konsepto ng Pinagkukunang Yaman


                         Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang-yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko.

    Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga salik ng produksyon bilang mga input (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) at mga tapos na kalakal at paglilingkod bilang output.

    Mga salik ng produksyon
    • Lupa – tumutukoy sa mga yamang likas o kaloob ng kalikasan kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal.
    • Paggawa – ito ay nangangahulugan ng oras na ginugugol ng tao sa produksyon. Binubuo nito ang lakas-paggawa ng isang bansa.
    • Kapital – tumutukoy sa mga bagay na nilikha ng tao na ginagamit sa proseso ng produksyon tulad ng makinarya at iba pang mga kagamitan at imprastruktura.
    • Entreprenyur – isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

    Mga Uri ng Pinagkukunang-Yaman

    1. Yamang Likas – pinaniniwalaang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan  ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay binubuo ng mga yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.
    2. Yamang Tao – ang tao mismo ang nagtatrabaho at nagpapaunlad sa mga yamang likas
    3. Yamang Kapital (capital resources) – tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang makabuo ng panibagong produkto.

    Pagpapanatili sa mga Likas na Yaman
    Maaaring uriin ang mga likas na yaman sa dalawa batay sa bilis ng pagpapalit nito:

    • Yamang Napapalitan – mga likas na yaman na matapos katasin ay medaling napapalitan ng kalikasan. Kabilang dito ang yamang gubat at yamang tubig.
    • Yamang Di-napapalitan – ay mga yamang matapos katasin ay hindi agad napapalitan ng kalikasan. Kabilang dito ang yamang lupa at yamang mineral.
          Ang lupa, paggawa, at kapital ay mga pinagkukunang-yaman na kailangan sa produksyon ng kalakal (goods) at serbisyo (services). Ang bawat antas ng paglikha o produksyon ay kinakailangang magkaroon ng mahahalagang sangkap upang sumulong ang buong proseso.

    Wastong pagpapahalaga ng pinagkukunang-yaman
        Ang pangangalaga at pagpapahalaga sa mga pinagkukunang-yaman ay nararapat na bigyang-pansin upang matiyak na mapakikinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon.


    Tatlong paraan sa pangangalaga ng pinagkukunang-yaman:
    • Likas-kayang Paggamit – tumutukoy sa paggamit ng mga yamang likas sa paraang makapagbibigay ang mga ito ng lubos na kapakinabangan ngunit hindi manganganib na maubos sa pamamagitan ng paggamit ng biological resource, konserbasyon, at integrasyon ng konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological diversity.
    • Konserbasyon – tumutukoy sa maingat at makatwirang paggamit ng mga yamang likas at ang pangangalaga sa mga ito laban sa pagkawasak at pagkasira.
    • Mga Batas na Pangkalikasan – National Integrated Protected Areas System Act of 1992, Philippine Mining Act of 1995, Ecological Solid Waste Management Act of 2000, at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.






    Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon



    Ang Konsepto ng Pangangailangan at Kagustuhan




    Pangangailangan
    • Pangunahing Pangangailangan/ Basic/ Primary Needs 
    • Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao: Pagkain, Damit, Bahay
    • Pangunahing Bagay (Necessities)
    Kagustuhan
    • Wants/Secondary Needs
    • Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito.
    •  Panluhong Bagay (Luxuries)


    Teorya ng Pangangailangan ni Maslow













     Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.


    Hirarkiya ng mga Pangangailangan















    Physiological Needs - Kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.

    Safety Needs - Ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay. Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan

    Love And Belonging Needs - Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya.

    Esteem Needs - Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

    Self Actualization - Pinakamataas na antas sa hirarkiya.
                                       - Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

    • Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
    •  Growth force – nagtutulak sa mga taong makaakyat sa hirarkiya.
    • Regressive force – nagtutulak sa kanya pababa sa hirarkiya

    Teorya ng Pangangailangan ni McClelland


     David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan





    Nagawa (Achievement)
    • Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga gantimpalang materyal at salapi.
    • Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
    • Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay.
    • Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan.
    • Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na kanilang nakamit.
    • Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa.  
    • Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa kanyang pangangailangan.


    Kapangyarihan (Power)
    • Dalawang uri ng kapangyarihan sa pangangailangan ng tao: 1. Personal – Pangangailan ng personal na kapangyarihan ay nais na mag utos sa iba at kadalasan, ito ay hindi maganda. 2. Institusyonal – ang mga taong nangangailangan ng kapangyarihang institusyonal ay nakatuon sa mga pagsisikap ng kasapi upang maging maayos ang layunin ng samahan.

    Pagsapi (Affiliation)
    • Ang mga tao na may pangangailangan sa pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang nakadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.







    Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon








    MGA LAKAS PAGGAWA NG BANSA





    Labor Force - Lakas paggawa ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng manggagawang may edad 15 taon pataas kabilang ang may trabaho at naghahanap ng trabaho.

    Labor Force Participation Rate - Tumutukoy sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong kabilang sa lakas paggawa kung ihahambing sa kabuuang populasyon na may gulang na 15 taon pataas.

    May Trabaho o Employed - Tumutukoy sa lahat ng mga may gulang na 15 taon batay sa kanyang huling kaarawan na naisulat na nagtatrabaho

    Walang Trabaho o Unemployed - Tumutukoy sa mga pansamantalang natanggal sa trabaho naghahanap ng trabaho,o mga nais magtrabaho ngunit hindi magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa karamdaman.

    Underemployed - Ay may mga trabaho ngunit hindi natutugunan ang kumpletong oras ng paggawa dahil sa sariling kagustuhan o dahil sa hindi makahanap ng fulltime na trabaho

    Employment Rate - Tumutukoy sa bahagdan ng lakas paggawa na mag hanapbuhay

    Unemployment Rate - Tumutukoy sa proporsyon ng mga taong ganap na walang trabaho sa kabuuan ng lakas paggawa

    Underemployment Rate - Proporsyon ng mga manggagawang sa kabuuan ng lakas paggawa na hindi nagtatrabaho ng fulltime






    Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon