Wednesday, March 11, 2015

Mga Sektor ng Ekonomiya


ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

–naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

Mga Kabilang Sektor ng Agrikultura:
  • pagsasaka
  • paghahayupan
  • pangingisda
  • paggugubat
  • pagmamanukan

Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura

agrikultura — ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa likas na yaman

  • Nakapaghahatid ito sa bansa ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t ibang panig ng daigdig.

  • Tinitiyak nito na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag.

  • Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsaska, manggagawang-bukid, katiwala at iba pa.

  • Nakatutulong nang malaki ang agrikultura sa ibang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.



  • Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
    1. Mataas na gastusin sa pagsasaka
    2. Malawakang pagpapalit-gamit ng Lupa
    3. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    4. Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
    5. Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
    • Malaking bilang ng mga Pilipino ang umaasa sa agrikultura bilang ikinabubuhay. Ang pangunahing produkto sa pagsasaka batay sa bigat ng ani ay tubo, niyog, palay, mais, saging, kape, at abaka.


    ANG SEKTOR NG PANGISDAAN AT PAGGUGUBAT

    Tatlong Uri ng Subsektor ng Pangisdaan

    1. Komersiyal — produksiyon ng isda gamit ang bangka na may bigat na higit sa tatlong gross ton

    2.Munisipal na pangingisda — produksiyon ng isda sa katubigang sakop ng munisipalidad

    3. Aquaculture — kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang yamang tubig

    Kahalagahan ng Yamang Tubig:
    1. Dito kumukuha ng ikinabubuhay ang maraming mamamayan sa bansa.
    2. Dito nanggagaling ang malaking bahagdan ng kinokonsumong pagkain ng mga mamamayan.
    3. Malaki ang kinikita ng pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga yamang tubig sa iba;t ibang panig ng daigdig.

    Aquaculture: Umuunlad na Subsektor ng Ekonomiya

    Kahalagahan ng aquaculture sa ekonomiya ng bansa:

    • Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamamayan.
    • Napupunan nito ang bumababang dami ng huli mula sa karagatan at iba pang anyong tubig.
    • Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga pagkain sa isda (feeds) at food processing.
    • Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil sa kita mula sa mga produktong iniluluwas sa ibang panig ng daigdig.
    • Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang makapagpatayo ng fishpond at mapagkakakitaan.

    Mga Suliranin sa Sektor ng Pangingisda

    1. Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda
    2. Lumalaking populasyon sa bansa
    3. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

    SEKTOR NG PAGGUGUBAT

    Kahalagahang ng Sektor ng Paggugubat

    • pinagkukunan ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamot
    • pinagkukunan ito ng mga materyales para sa paggawa ng bahay at muwebles
    • nagsisilbi itong tirahan ng mga wildlife
    • pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales upang makapagmanupaktura ng papel at iba pang kagamitan
    • nagsisilbi itong proteksiyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga ng bagyo
    • nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig
    Mga Suliranin sa Subsektor ng Paggugubat

    • Patuloy na pagtaas ng populasyon
    • Ilegal na pagpuputol ng puno
    • Mga sakuna
    Pagpapahalaga:
    Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran (environment vs. development). Ang walang habas na pagputol ng puno sa kabundukan ay katumbas ng malaking salaping salapi dulot nito sa kabuhayan ng mga taong umaasa rito. Bilang isang mapanuring mamamayan, anong programang pangkabuhayan ang dapat ilunsad ng pamahalaan na may katiyakang ang kapaligiran ng hindi mapinsala at ang balanse ng kalikasan ay naitataguyod?

    SEKTOR NG PAGLILINGKOD


    • tumutukoy sa sektor na nagbibigy ng serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa pamahalaan, at turismo
    • ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa
    Kabilang sa sektor ng paglilingkod ang sumusunod:
    Subsektor ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, serbisyong medikal, mga OFW

    Kahalagahan:
    Ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay may mahalagang papel sa takbo ng pambansang ekonomiya, sapagkat sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang pang-ekonomiya.
    Malaki ang naiaambag nito sa GDP ng bansa

    Suliranin:
    Brain Drain – isang penomenon kung saan unti-unting nauubos ang mga propesyonal na manggagawa dahil sa pangingibang-bansa
    Mababang Pasahod
    Kakaunting benepisyo

    IMPORMAL NA SEKTOR

    Katangian ng impormal na sektor:
    • Hindi nakarehistro sa pamahalaan
    • Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo
    • Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo
    Kabilang sa impormal na sektor ang mga sumusunod:
    Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako ng kakanin at iba pa.
    Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor:
    • Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
    • Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan
    • Upang makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking kapital o puhunan
    • Upang mapangibabawan ang matinding kahirapan
    Kahalagahan ng Impormal na Sektor
    • Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
    • Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
    • Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan
    • Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
    • Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga
    Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor
    • Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan
    • Labis na regulasyon mula sa pamahalaan
    Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
    • Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan
    • Banta sa kapakanan ng mga mamimili
    • Paglaganap ng mga ilegal na gawain
    Panganib sa Impormal na Sektor
    • Maaaring walang sapat na proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho
    • Mapanganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada dahil sa mga ruumaragasang sasakyan
    • Kalimitan hindi sila sakop ng insurance
    • Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring lumaganap ang mga kaso ng paglabag sa kasunduan
     Ang Impormal na Sektor at Globalisasyon
    Pagpapaliwanag tungkol sa impormal na sektor ayon kay Yuzon:
    • Maaari silang ituring na biktima ng globalisasyon
    • Maaaring ituring ang gawaing ito na isang paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan sa masasamang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya at lipunan






    Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon

    No comments:

    Post a Comment