Iba't Ibang Estruktura ng Pamilihan
Ang pamilihan ay isang
kaayusan kung saan may interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang
magpalitan ng iba’t ibang bagay.
Dalawang estruktura ng
pamilihan:
• Pamilihang may ganap na kompetisyon – sa pamilihang ito, walang kakayahan ang sinuman sa bahay-kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo. ang mga produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba. Ang mga mamimili at nagtitinda ay may ganap na kaalaman sa kalagayan ng pamilihan.
• Pamilihang may hindi ganap na kompetisyon- sa pamilihang ito, nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng produkto.
Ø Monopolyo – isang
uri ng pamilihan na may iisa lamang bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na
walang malapit na kahalili.
Ø Monopsonyo – ito ang pamilihang isa lamang ang mamimili. Ito ay may lubos na kapangyarihan upang kontrolin ang presyo.
Halimbawa ay ang Pamahalaan- itinuturing na isang monopsonist
Ø Oligopolyo – isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto.
Halimbawa ay ang industriya ng langis
Cartel – isang organisasyon ng malalayang bahay-kalakal na gumagawa ng magkakatulad na produkto na sama-samang kumikilos upang itaas ang presyo at takdaan ang dami ng gagawing produkto.
Ø Monopolistikong Kompetisyon – maraming kalahok na bahay-kalakal; ang uri ng produktong ipinagbibili as magkakapareho ngunit hindi magkakahawig. Ito ang product differentiation.
Halimbawa ang produktong toothpaste (colgate, hapee, close-up)
PAMILIHAN AT PAMAHALAAN
Ang pagpapanatili ng
katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at hindi aktibistang pamahalaan.
Isasagawa ito sa pagtataguyod ng ganap na kompetisyon.
Tatlo ang gampanin ng
malaki at aktibong pamahalaan:
1. Ang pagpapanatili ng
kompetisyon – pagbuo ng mga batas at programang pangkaunlaran,
pagpapalawak ng kompetisyon sa pamilihan
2. Pagpapalit sa allocative role ng pamilihan – pagpili ng mga hakbangin sa pagsisinop ng pinagkukunang-yaman, muling pamamahagi ng kita at yaman ng isang bansa sa mga mamamayan, pagpapatatag at pagpapatibay ng pambansang ekonomiya
3. Ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman (distributive role)—paliitin ang antas ng inequality sa pamilihan
Pamamaraan ng
Panghihimasok ng Pamahalaan:
• Tight industrial
regulatory regime – pagsasaayos ng presyo sa iisang atas lamang;
ipinatutupad ng pamahalaan sa paniniwala na bubuti ang kapakanan ng mamamayan
sa mga piling bahay-kalakal.
• Industrial Deregulatory Regime—pagbubukas ng industriya sa kompetisyon
• Paglahok ng pamahalaan sa industriya
• Pagbubuwis – humahalili sa presyo ang buwis sa pagtatakda ng panlipunang pagpapahalaga sa pagkonsumo at paglikha ng produkto
• Tax Exemption at Subsidy
o Tax exemption – ang mahihirap ay hindi pinagbabayad ng buwis
o Subsidy – tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa mahihirap
• Programang Pangkaunlaran
• Sequestration – nilalayon nito na itigil ang pagsasamantala ng bahay-kalakal sa mga mamimili at kapwa bahay-kalakal
• Price Ceiling at Price Floor
o Price ceiling (price control) – pinakamataas na presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto
o Price floor (price support)– ang tawag sa pinakamababang presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa isang produkto

No comments:
Post a Comment