Ang Konsepto ng Pangangailangan at Kagustuhan
Pangangailangan
- Pangunahing Pangangailangan/ Basic/ Primary Needs
- Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao: Pagkain, Damit, Bahay
- Pangunahing Bagay (Necessities)
- Wants/Secondary Needs
- Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito.
- Panluhong Bagay (Luxuries)
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow
Abraham
Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng
mga pangangailangan ng tao.
Hirarkiya ng mga Pangangailangan
Physiological Needs - Kabilang
dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at
tulog.
Safety Needs - Ito
ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay.
Kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula
sa karahasan, katiyakang moral at physiological, seguridad sa pamilya, at
seguridad sa kalusugan
Love And Belonging Needs - Kabilang
dito ang pakikipag-ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at
pagkakaroon ng pamilya.
Esteem Needs - Nauukol
sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
Self Actualization - Pinakamataas
na antas sa hirarkiya.
- Dito
ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.
- Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.
- Growth force – nagtutulak sa mga taong makaakyat sa hirarkiya.
- Regressive force – nagtutulak sa kanya pababa sa hirarkiya
Teorya ng Pangangailangan ni McClelland
David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa
kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at
hinuhubog ng mga karanasan
Nagawa (Achievement)
- Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga gantimpalang materyal at salapi.
- Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.
- Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay.
- Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan.
- Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na kanilang nakamit.
- Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga nagawa.
- Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa kanyang pangangailangan.
Kapangyarihan (Power)
- Dalawang uri ng kapangyarihan sa pangangailangan ng tao: 1. Personal – Pangangailan ng personal na kapangyarihan ay nais na mag utos sa iba at kadalasan, ito ay hindi maganda. 2. Institusyonal – ang mga taong nangangailangan ng kapangyarihang institusyonal ay nakatuon sa mga pagsisikap ng kasapi upang maging maayos ang layunin ng samahan.
Pagsapi (Affiliation)
- Ang mga tao na may pangangailangan sa pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang nakadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.
Reference:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon
tnx
ReplyDeleteSo much explanation thank you
ReplyDelete